Friday, May 28, 2010

Who am I after my grad?

Matapos ang dalawanpu't apat na araw ng aking pagtatapos...

Marami ang nagbago. Oo. Wala na akong allowance,wala na ring mga assignment at project na dapat tapusin at higit sa lahat wala na ang mga kaklase kong napamahal sa akin.Matapos ko ngang magtapos sa kolehiyo sa kursong edukasyon,heto at paggawa ng sandamakmak na "resume" ang aking inaatupag. Sa kasamaang palad,wala pa rin akong trabaho. May nag-interes tawagan ako ngunit bigo ang pag-asang magkatrabaho. Sabihin na nating inaayawan ko ang 15 thousand a month with signing bonus.Tsk...Tsk...Mas gusto ko talagang magturo at kausap ang mga bata o kabataan kaysa sa mga "spoken dollar".

Aaminin ko. Masyado din akong abala sa mga gawaing pangkabataan dito sa aming lugar. Inaayos ang samu't saring programang pangfiesta at pampasaya sa tao. Nakaligtaan ko ng maghanap ng trabaho. Napansin ito ng aking mga magulang. Siyempre,napagalitan ako. Inaasahan kasi nilang magtatrabaho agad ako. Mahinahon kong pinaliwanag sa kanila ang dahilan. Sa haba ng sinabi ko parang ayaw pa nilang maniwala. Nahihirap tuloy akong magdesisyon. Hanggang ngayon,habang ginagawa ko ang lathalaing ito ay wala pa rin akong trabaho. Wala pa at nahihinuha kong malapit na. May private tutor naman ako pero hindi din yun sapat. Tatapusin ko lang ang eleksyong ito at pagtulong sa tito kong kumakandidato bilang konsehal ,aatupagin ko na ang aking personal na interes.

No comments: