Ayon sa taong may-ari ng fb account na ito ang mga sumusunod...
Gumagawa ako ng note sa fb upang may mapaglibangan at higit sa lahat para may patunayan.Para kasing blog na rin. May blog din ako pero nahihirapan ako dahil mobile net gamit ko. Masyadong maliit ang screen at higit sa lahat di ako masyadong pamilyar sa blogging. Kakainggit ang mga kumikinang na profile pic ng aking kaibigang magdamag na atang nagbloblog.Dagdag pa dito ang magaganda nilang background sa blog. Kaya heto at inilalaan ko na lang muna sa paggawa ng note sa fb ang lahat. Hi-tech din kumbaga at asa uso pa naman.
Ayun...palitan ang usapan.Hanga ako sa mga taong makakata sa fb world. May mga tula at sanaysay na malalim at minsan napapaisip na lang ako sa mga nais nilang iparating.
Nakakatuwa na rin ang puro note nila.Sana malalim din akong magsulat. At siyempre puro din tag nila ang note ko.TAG dito...Tag doon. Kasunod nito ang walang katapusang komento. Palitan ng kuro-kuro at mga taong napadaan lang para maglike.
~bakit ba 24/7 ata akong asa online world este fb pala?~
Hinimay himay ko talaga ang dahilan at ang dating 30 dahilan ay naging 10 na lang.
1. Uso na ang status update at maging ang friendster meron na rin (kamakailan ko lang din nalaman,di ko kasi binubuksan ang fs ko...fb na eh..IN pa!). Yun mga tipong," ---- is in relationship and its complicated". Sa stat na ito, marami talaga ang nagkomento.
2. Dahil lagi akong nakamobile net, ang fb ang koneksyon ko sa mga friends ko na nasa ibang bansa.
3. Sa fb, nalalaman ko ang estado ng puso,isip at buhay ng mga ilang espesyal na tao kasama si inspirasyon.
4. Fb Mobile ang madaling paraan para makita ko ang mga latest uploaded pic ng aking mga friends,mga org na kinabibilingan at higit sa lahat pic ni inspirasyƶn.
5. Dahil may notification ang fb nalalaman ko ang mga taƶng nagtatag at nagkokomento. Agad naman akong nagrereact. Hanggang ayun...palitan na ng mensahe.
6. May event invitation sa fb kaya updated ako lagi.
7. Maganda ang mga application. Daig na nito ang y8.com na dati kong paborito.
8. Dahil sa fb,natuto akong magharvest,mag- alaga ng pet,magpahandle ng resto, mag-alaga ng isda,maglaro ng poker,makinig sa payo ni bob ong at angelina,maranasang maging bampira at higit sa lahat...sumagot sa mga tanong na sobrang dami (buti na lang di tsinetsekan).
9. Sa fb,puwede kang maging fan ng kahit sino at ano.
10. At ang huli, naadik na ako sa paggawa ng mga note. Gusto ko talagang may nagcocoment
No comments:
Post a Comment