Friday, May 28, 2010

From rugs to riches: featuring Mr. Noel Koronel

"Hindi mo kasalanan kung ipinanganak kang mahirap ngunit kung mamatay kang mahirap ay kasalanan mo na",katagang maigting na binitiwan ni Mr. Noel Koronel,dating factory worker pero ngayon ay kumikita ng mahigit kalahating milyon kada buwan dahil sa DXN. Ayon sa kanya,networking ang dahilan ng kanyang biglang pagyaman at paglisan sa dating hirap nilang buhay. Hindi nya lubos maisip na magiging milyonaryo siya sa kabila ng pagiging highschool graduate.

Matapos kong dumalo sa seminar na naganap sa Tanauan branch ng DXN noong Marso 21 lalo kong naunawaan kung paano binago ng DXN ang buhay ng iba nating kababayan. Tama nga naman ang tagline ni Villar,kailangan natin ng SIPAG AT TIYAGA sa buhay para umasenso. At yun nga ang ginawa ni G. Koronel. Sa kabila ng kahirapan,patuloy siyang nangarap umansenso. Nakabili ng bahay at sasakyan para sa pamilya. Dagdag pa ni G. Koronel, na noong kinapanayam siya ng Extra Extra sa GMA 7 ay mariin nyang sinabi na sa paggamit niya ng produkto ng DXN ay malaki ang naging parte nito sa kanilang buhay. Hindi lang sila naging malusog kundi naging maayos din estado nila sa buhay

Estudyante 005

Walang pakundangan ang ginawa nilang panghahamak
Maging sa hanay ng mga estudyante sila'y nagpakitang gilas
Berdugong kung ituring silang sumisigaw ng karapatan
At kaaway daw ng lipunang kanilang naging sandigan.

Kabataang estudyanteng mapaghimagsik
Tinungo ang kapitolyo at doo'y sumisigaw na may panlilisik
Kanilang kinaharap masulasok at mabahong hangin
Ngunit di sila nagpadala sa delubyong nakabinbin.

Matapos ang panawagan pangmakabayan .
At manawagan sa mahal na paaralan para sa kanilang karaingan.
Heto at kanilang kinakaharap ang berdugong hustisya
Walang pinagbasehan at di makatarungan

Parang lamay sa eksena ang aking sinaksihan.
Kaawa-awa ang mga estudyanteng may nais ipaglaban.
Matapos ang mga health workers,ngayon nama'y sila.
Sino pa kaya ang susunod?
Nahihinuha ko na ang posibleng mangyari.
Marami pa,marami pa...

Who am I after my grad?

Matapos ang dalawanpu't apat na araw ng aking pagtatapos...

Marami ang nagbago. Oo. Wala na akong allowance,wala na ring mga assignment at project na dapat tapusin at higit sa lahat wala na ang mga kaklase kong napamahal sa akin.Matapos ko ngang magtapos sa kolehiyo sa kursong edukasyon,heto at paggawa ng sandamakmak na "resume" ang aking inaatupag. Sa kasamaang palad,wala pa rin akong trabaho. May nag-interes tawagan ako ngunit bigo ang pag-asang magkatrabaho. Sabihin na nating inaayawan ko ang 15 thousand a month with signing bonus.Tsk...Tsk...Mas gusto ko talagang magturo at kausap ang mga bata o kabataan kaysa sa mga "spoken dollar".

Aaminin ko. Masyado din akong abala sa mga gawaing pangkabataan dito sa aming lugar. Inaayos ang samu't saring programang pangfiesta at pampasaya sa tao. Nakaligtaan ko ng maghanap ng trabaho. Napansin ito ng aking mga magulang. Siyempre,napagalitan ako. Inaasahan kasi nilang magtatrabaho agad ako. Mahinahon kong pinaliwanag sa kanila ang dahilan. Sa haba ng sinabi ko parang ayaw pa nilang maniwala. Nahihirap tuloy akong magdesisyon. Hanggang ngayon,habang ginagawa ko ang lathalaing ito ay wala pa rin akong trabaho. Wala pa at nahihinuha kong malapit na. May private tutor naman ako pero hindi din yun sapat. Tatapusin ko lang ang eleksyong ito at pagtulong sa tito kong kumakandidato bilang konsehal ,aatupagin ko na ang aking personal na interes.

A love worth sharing for...

May 17,2010
Ngayon ko lang nasumpungang muling gumawa ng note gamit ang FB Mobile. Mas gusto ko talagang sa PC gumawa.Dala na rin marahil na masidhing damdaming sumulat at ipahayag ang tunay kong nararamdaman sa kasalukuyan kaya heto at matiyaga kong tinitipa ang keypad ng aking "cellphone". Magsimula ang aking kwento este sanaynay dito...
Natawa ako sa sarili ko nung malaman kong unti unti ko na palang nakakalimutan si Mr. You Know Who. Pano ba naman,makalipas ang halos na siyam na buwan na lihim na paghanga at pagiging "inspired" sa taong ito may nakilala akong bagong kaibigan. Isang kaibigan na ngayon nga ay naging inspirasyon ko na din. Ganun pa rin ang aking estado sa larangan ng pag-ibig. "One sided love" kung baga. Napapabuntong hininga na lang ako pero di naman nakakalungkot ang buhay ng pagiging NBSB...nakakapanlumo lang (char!). Gusto ko rin namang magmahal at mahalin. Sadyang wala pang nakalaan na tamang tao. Marahil sa tamang panahon pa ito darating.

~Balik tanaw,siyam na buwan ang nakakaraan~

Pakikibaka. Ipagpatuloy ang laban. Yan ang kalimitan nilang bukambibig at maging ako ay napasama sa kanila. Kabilang ako at si Mr. You Know Who sa isang pangkolehiyong organisasyon ng mga "student-journalist". Matapang at matalas ang aming panulat. Walang kinatatakutan. Walang makakapigil. Ito ang panahon ng aming unang pagkikita. Sabi ko nga sa iba kong kapwa manunulat," He's öne of a kind". Matindi ang paghanga ko sa taong ito. Hindi ko maipaliwanag. Namalayan ko na lang na parang umaasa na pala ako. Umaasa na mapansin nya at personal na kamustahin. Puro Gm(group message) ang aking natatanggap. Masaya na ako sa tuwing binabanggit nya ang aking pangalan sa txt o di kaya'y sumagot siya sa pm ko sa fb.

~Sino si Mr. You Know Who?~

Isang tipikal na lider-estudyante,manunulat at iskolar. Mahusay sa larangan ng panulat at walang kapares sa mga kaalamang panlipunan. Minsan,napagkakamalang suplado pero pinagtatanggol ko sa iba na mabait siya..di lang talaga siya palabati. Mahusay din na "sPEaker" at ako lang ata ang masayang nakikinig sa kanya.(ung iba kasi antok na dahil masyadong mahaba). Sa kabuuan,di ko pa rin siya ganun kakilala.Un bang mas malalim na pagkakakilanlan. Matagal pa marahil ang bubunuin ko para lubusan siyang makilala. Isang taon pa siguro o di kaya'y kailangan ko pa ng sampung taon.

~Ate,infatuation lang yan!~

May ilang nakakaalam ng lihim na pagkatao ni Mr. You Know Who. May ilan ring nakakaalam ng paghanga ko sa kanya. Sagrado ang usaping ito pagdating sa akin. Bawal ipaalam sa iba at higit sa lahat sa kanya mismo. Nahihiya ako. Oo. Kahit na tila nakakaramdam din siya. Mga kaibigan at kapwa ko kasama sa publikasyon ang nakakaalam nito. Hindi maganda ang kwentuhan kapag di kasama sa mga usaping pag-ibig. Lumalalim at tamang nagdedebate na kami kapag ito ang usapin. At dumating sa puntong ako ang nasasakdal. Ako ang naging tampulan ng komento at pinag-uusapan. Sabi ng isa, "Si ate,inlove na!uy". Humirit pa ang isa naming kasama, "Hindi yan love,munch...kalimutan mo na siya". Kung di ka ba naman magtampo sa sinabi ng pangalawa kong kaibigan,ewan ko. Lagi ding bukambibig ng iba na infatuation ang nararamdaman kong ito.

~Simpleng kaligayahan~

Ang mga bawat sms ,fs at fb comment niya ay walang katumbas na kaligayahan. Minsan nga,nabuklat ng aking kaibigan ang aking lumang kuwaderno. Nabigla siya at natawa sa nakita nya. Ano ito? Matatawa kayo at marahil magtatanong. Sinusulat ko ang bawat txt nya with matching date and time. FS at FB...NEVER kong dinedelete. Para ba akong ewan. Kayo na ang humusga.

~Paglimot~

Kahit na hindi nya alam ito,masaya akong naging parte siya ng buhay ko. Nandun pa rin ang paghanga ko sa kanya pero sa pagkakataong ito gusto ko na munang mag-isa at hintayin na lang muna ang muli naming pagkikita.

~Huling mensahe para sa isang espesyal na tao~

At para sa taong naging inspirasyon ko...salamat sa'yo.Oo, ikaw nga. Hindi mo man ito mabasa o di kaya'y malamam mo na ikaw nga ang tinutukoy ko,ok na ok lang sa akin. Lubhang nakakalungkot di ba? Parang ang drama ko ata. Masyado kasing naging malalim ang lahat sa akin at alam mo bang ikaw ang dahilan nito. Sa muli nating pagkikita, huwag kang mag-alala. Ngingitian pa rin kita. Kakausapin at higit sa lahat kakamustahin gaya ng dati. Hangad ko ang tagumpay mo sa propesyong pinili mo. Muli,salamat at adieu aking inspirasyon.PadayoN!;-)

Bakit may mga taong 24/7 nakaonline sa fb?

Ayon sa taong may-ari ng fb account na ito ang mga sumusunod...

Gumagawa ako ng note sa fb upang may mapaglibangan at higit sa lahat para may patunayan.Para kasing blog na rin. May blog din ako pero nahihirapan ako dahil mobile net gamit ko. Masyadong maliit ang screen at higit sa lahat di ako masyadong pamilyar sa blogging. Kakainggit ang mga kumikinang na profile pic ng aking kaibigang magdamag na atang nagbloblog.Dagdag pa dito ang magaganda nilang background sa blog. Kaya heto at inilalaan ko na lang muna sa paggawa ng note sa fb ang lahat. Hi-tech din kumbaga at asa uso pa naman.

Ayun...palitan ang usapan.Hanga ako sa mga taong makakata sa fb world. May mga tula at sanaysay na malalim at minsan napapaisip na lang ako sa mga nais nilang iparating.

Nakakatuwa na rin ang puro note nila.Sana malalim din akong magsulat. At siyempre puro din tag nila ang note ko.TAG dito...Tag doon. Kasunod nito ang walang katapusang komento. Palitan ng kuro-kuro at mga taong napadaan lang para maglike.

~bakit ba 24/7 ata akong asa online world este fb pala?~

Hinimay himay ko talaga ang dahilan at ang dating 30 dahilan ay naging 10 na lang.

1. Uso na ang status update at maging ang friendster meron na rin (kamakailan ko lang din nalaman,di ko kasi binubuksan ang fs ko...fb na eh..IN pa!). Yun mga tipong," ---- is in relationship and its complicated". Sa stat na ito, marami talaga ang nagkomento.

2. Dahil lagi akong nakamobile net, ang fb ang koneksyon ko sa mga friends ko na nasa ibang bansa.

3. Sa fb, nalalaman ko ang estado ng puso,isip at buhay ng mga ilang espesyal na tao kasama si inspirasyon.

4. Fb Mobile ang madaling paraan para makita ko ang mga latest uploaded pic ng aking mga friends,mga org na kinabibilingan at higit sa lahat pic ni inspirasyön.

5. Dahil may notification ang fb nalalaman ko ang mga taöng nagtatag at nagkokomento. Agad naman akong nagrereact. Hanggang ayun...palitan na ng mensahe.

6. May event invitation sa fb kaya updated ako lagi.

7. Maganda ang mga application. Daig na nito ang y8.com na dati kong paborito.

8. Dahil sa fb,natuto akong magharvest,mag- alaga ng pet,magpahandle ng resto, mag-alaga ng isda,maglaro ng poker,makinig sa payo ni bob ong at angelina,maranasang maging bampira at higit sa lahat...sumagot sa mga tanong na sobrang dami (buti na lang di tsinetsekan).

9. Sa fb,puwede kang maging fan ng kahit sino at ano.

10. At ang huli, naadik na ako sa paggawa ng mga note. Gusto ko talagang may nagcocoment